.comment-link {margin-left:.6em;}
Saturday, December 16, 2006
Yosi History
Ilang taon na ba ko naninigarilyo? Nagsimula ata ko ng 2nd year highschool pero patikim-tikim palang ako non di pa talaga todo! Though may naalala ako non eh, gradeschool palang ata ako non. Yun ex ng tito ko sinamahan ko mag-practice magdrive dito sa village namin. Pinagpapraktisan nya yung owner type jeep namin non. Me subo pa nga akong lollipop non eh tas inalok nya ko mag-puff ng yosi nya. Winston reds pa nga ata yun, naubo ako. Ang sama ng lasa lollipop at yosi. Tas nung hayskul na, syempre andyan na yun peer pressure. Gagawin mo dahil ginagawa ng kabarkada mo. Sige subok naman ako. Nagtry pa ata ako ng Reds non eh (marlboro pa nga eh... tindeh). Then alam ko di naman ako tumodo dahil me syota akong nagbabawal sakin non. Tangina sya nga nagyoyosi ako pinagbabawalan! Ang katwiran naman nya habang maaga daw pinuputol nya na sungay ko. Yeak right!

Tas may time na nawala bumalik (lalo na pag naghihiwalay kami nung jowa kong yun), dun ako nag-experiment ng ibat ibang klase ng yosi. Tikim ng iba't ibang brand. Naalala ko kasi sa galle non may store na nagbebenta ng mga tingi. Naadik ako sa gudang garam surya. Ewan ko ba ang daming nababahuan dun pero trip na trip ko. Siguro yun lasa, parang pasta sa dentista. May after taste sya na matamis eh. Tas naalala ko din sa greenhills sa virra mall may binbilihan akong indian smokes.... Bee-dees yata tawag dun. Pink ang wrapper nya na papel tas yun smokes mismo nakabalot sa dahon na may taling pink na sinulid. Akala nga ng iba may lamang juts dahil syempre dahon so amoy na amoy. Peace on earth ata yung store eh, sayang wala na sya astig pa naman yun mga tinda non! Sana magkaron uli ng ganong klaseng tindahan ng kung anik-anik.



May time na nahinto ako magyosi nakalimutan ko na din kung kelan pa yun. Basta pagbalik bisyo ko non eh menthol na ko. Dami ngang nagsasabi nakakabaog daw kesyo ganon. Sa loob loob ko lang tangina pare-parehas lang sigarilyo yan ganon din yun. Anyways nagla-lights naman ako lalo na pag no choice na eh pero winston lights lang. Pero may time non nung nagka-immersion kami sa bulacan, walang marlboro menthol na available at tanging me supply ay champion. Sige na nga menthol din naman eh. Panalo nga eh, sa halagang 10-12 piso eh me isang kaha ka na, sulit! Pero ang pinakamabahong yosing nayosi ko na menthol ay hope! Tangina amoy lola. Andaming yosi dyan na out of this world tulad nung marka ngungot na sabi ng classmate ko ay yosi ng mga lola, yung kulay brown na sinusubo pa nila ng baliktad (yun baga sa loob ng bibig), meron pa yung astro. Hay sigarilyo hehe... Pero trip na trip ko ngayon yung mga flavore chuva na puta ang mahal isa. 5 pesos each, yun orange peel, dj mix. Nakalimutan ko na yung may choco flavor eh.

Di ko nga alam kung legal na ko mag yosi pero alam naman dito sa bahay na di ko lang syempre magawa ng harap-harapan. Naalala ko lang yun mga hirit nila sakin nun mga times na nahuhuli nila ko nun menor de edad pako. Kesyo ipapakain daw sakin yung isang kaha. Sindihan ko daw ng sabay sabay ek ek chuva. So ako naman minsan nagsisindi sa bubong ng kapitbahay pa o kaya lumalabas sa tindahan ako nagtatago. So ngayon parang isang dekada na pala kong nagsusunog baga. Tsk tsk .... samantalang dati hate na hate ko ang amoy ng yosi. Upto now pa din naman eh basta yung usok na galing sa iba hehehe
 
posted by sativa_free at 8:04 AM | Permalink | 1 comments links to this post
Tuesday, December 05, 2006
Tsokolate
Dumating na yun carton ko galing UK.... Natuwa ko nun nakita ko yun maliit na box pagbukas ko kala ko puro tsokolate yun pala sa ibabaw lang kasi sa ilalim yun toy ng pamangkin ko. Pero sa lahat ng chocolate eto ata ako lang tumirada. Ang sarap eh, meron din kitkat pero parang mas creamy at mas masarap yun waffer syempre! Olats lang me whitechocolate na may lamang nyog at mani sa loob yak!













Eto milka na TRIOLADE na chocolate ng Milka na nilusaw ko sa toaster at pinalaman sa tinapay! Panalo hehehe
 
posted by sativa_free at 12:09 AM | Permalink | 0 comments links to this post
Monday, December 04, 2006
Taon ng Paglisan
What's with the year 2006. Karamihan sa mga kakilala ko, kaibigan at kaklase ko sumibat na pa-ibang bansa. Iba't ibang istroya & dahilan kung bakit sila nag-aalisan

Recently lang ay may classmate akong pumunta ng Australia dahil biglang dumating ang fiance visa (kaya ang bilis eh di lang ata mga kaibigan namin ang ginulat nya pati ema & epa nya). Hello Australia here I come! Kakaalis nya pagpasok ng disyembre.


Ummmmmmm...... Teka magulo eh simulan ko kung sino na lang ang una kong maalala sa kanila. May ilan kasi sa kanila lumipad pero bumalik din. May iba din bumisita lang pero parang mas marami ata lumipad para kumayod at makipagsapalaran, di pa alam kung kelan sila babalik.

Unahin na natin ang kaibigan kong lumipad for some health reasons. Na-house arrest sya dito sa pinas sa bahay nya. Pinagbawalan lumabas kasi baka lumala ang sakit nya pag tinuloy-tuloy nya pa ang kanyang rock & roll lifestyle. So naisip na lang ng mom nya at ng mga magulang nya na better padala sa states. Ewan ko kung yun ba leksyon sa kanya pero naman ang tanda na rin nya may sarili na syang buhay, kumikita ng sariling pera.... Ewan! Pero wala pang 1 month bumalik din sya dito dahil napag-alamang mali din ata ng diagnosis at wala naman ding nag-aasikaso sa kanya dun, kumbaga parang ni-quarantine lang din sya dun.

Isa pa din sa mga kadikit ko ang umalis para sa kanyang greencard naman. Di ko naintindihan kung bakit kelangan nya umalis siguro para ayusin ang kapapelesan nya don. After nga ng finals nya fly na sya agad ng walang sabi-sabi. Ang masama lang nadelay na sya ng uwi kaya delayed na rin sya skul nya. Bumalik din naman agad after ng bakasyon pero umalis ulit papuntang china para daw di sayang ang miles? Bongga!

Eto naman storyang pang OFW. Lumipad sa bayan ng mga indian (excuse me mga redskin ha as in yun indiang pana kakana-kana) para maging guro. Single mom kasi sya so kelangan nyang gawin yun para sa kanyang unica hija. Naalala ko before sya umali todo bonding namin as in sinusulit mga moments na andito pa sya. Halos gabi-gabi ko tong kasama. Nagsilbing manager, bugaw at partner in crime tong babaeng toh. Kaya naman nun hinatid namin sa airport may I cry ang drama ko. Kasi ang sabi nya after 2 yrs pa daw bago sya makauwi. Eh nakamputah gulat ko ng sabihin sakin after 2 mos e uuwi pala sya. Surprise pa daw dapat yun eh hehe pero sa mga ilang kadahilanan kaya napilitan syang sabihin sakin.

Sumunod naman dito eh conquer UK. 2 sila: Yung isa umalis para mag-caregiver, binigay pa nga nya yung number ng agency nya kasi nga oks naman daw malinis at nakaalis sya agad at nag-iwan din sya ng recipe ng inasal. Yung isa naman eh kabanda nun isang ka-tropa ko matagal ko na ding kilala naging crush ko pa nga before e. Caregiver din ata sya. Parehas silang dalawang bread winner eh. Sana lang kung sakaling maligaw ako dun makita ko din sila... Naks!

Tapos yun classmate ko nun hayskul naman to Detroit nurse din sya. Ang nakakalungkot lang din sa kanya end of November na sya nakaalis. So sa tingin ko parang mas mahirap kasi mas mararamdaman nyang malungkot since malapit ng magpasko at mag-isa pa sya dun. Parang di pa sya gano nakaka-adjust eh ganon pa ang klima. Nakachat ko nga nun nakaraan. namimiss daw ang jowa at nagsisisi kung bakit di pa daw sila nagpakasal. Hay.

Eto naman last sa listahan kong paalis ngayong taon na to eh classmate ko din. Actually nakaalis na sya pero bumalik lang para magreview at asikasuhin yung palyado naming lisensya sa prc. (Tanginang yan! Hassle kasi eh! Sa enero pa nga namin makukuha yun punyetang mga yun) Ang swerte din nya kasi andito na sya nun nalaman na di na pala kailangan ng local lic nya eh basta daw pasa lang nya NCLEX nya at andun na din naman ang family nya. Paalis na din sya this december before christmas.

Ay bago ko makalimutan may kaibigan din akong umalis para lang makapiling ang kanyang gf magpasko ang sweet! Ewan kung babalik pa yun pero sana lang maging masaya sila don.

Haaayyyyyy.... Iba't ibang storya pero swerte nila at nakalayas na sila at nabigyan ng ganitong oportunidad. Sana someday ako din hihihi...





 
posted by sativa_free at 11:20 PM | Permalink | 0 comments links to this post
Wednesday, November 29, 2006
Peach Room
Minsan lang ako sipagin maglinis ng kwarto at gusto ko ang kulay ng room ko ngayon kasi Peach lamig sa mata!




Di halatang love ko si lennon welcome to my room! Na walang door knob nga lang... Bakit? Kasi palyado na yun lock non eh kaya nun gabi na bago namin wasakin yun door knob e iniiwan ko lang palaging bukas yun pinto! Dahil kung hindi at maiwan ko yun susi ko sa loob kelangan ko pang pumunta sa bubungan pati na sa kapitbahay para lang masungkit yun susi ko!




Ganto sya pag gabi:






Ganto naman pag may araw:


Gusto ko pag yun silhouette ng kwarto ay kakulay ng kurtina nya. Di pa nga ko natutulog sa kwarto since kahapon na linisin ko sya.
 
posted by sativa_free at 9:58 PM | Permalink | 0 comments links to this post
Tuesday, November 28, 2006
repost (labo!)
nung isang gabi pagpikit ng aking mga mata nakakita ko ng: pambambo, strawberry,halaman, pyramid, mais, kalahating pakwan, butones, kangkong, walis tingting, libro, mongol, tsinelas, ilog, bato, dahol, burol, pinetree, blouse, static black n white,sinkamas, tren,kotse, aso,tunnel, acorn, wire, kable, kweba, sapa,red, buhangin, niyog hanggang makatulog ako
 
posted by sativa_free at 9:31 AM | Permalink | 0 comments links to this post
The Doors (movie)




Sobrang wala akong magawa kaninang hapon kaya nag-dvd na lang ako. Salamat sa aking kaibigan na dinamay ako sa kanyang pag-ddvd shopping nun linggo. Kala ko astig na yun Stoned na movie (lifestory of brian jones & rollingstones) as a super trippy movie, biography ng rockstar. As in dito journey talaga sila ha nakarating sila ng disyerto at sumakay sa ahas...




Galing! While sa stoned naman eh acid trip din pero sakitan eh, huma-hardcore ang dating me foot fetish ( dilaan ba ang boots?), syempre sado-masochism nga so andyan yun leather outfit, handcuffs at whip. Pero pinagtataka ko lang bakit may ulo ng usa. Nga naman acid trip nga eh.

Anyways, mas lalo kong na-appreciate si jim morrison and syempre yun band nyang the doors. Aside from making great music, sobrang natuwa ako sa mga gigs nila non. Gano kasaya at ka-wild mga tao nun panahon nila. Ayus lang yun mga nagsasayaw eh (ugoy ulo lang ba at tamang pikit, wasted? or feeling the vibes lang) sa palibot ng bonfire, sa harap, sa balcony ang matindi dun yun mga nagsasayaw ng hubo! Wow libre show! O di ba ayos? Nakakabilib lang na carry ng mga babae non na magsasayaw ng hubo habang nasa concert/ gig o di na nila alam mga pinag-gagagawa nila sa sobrang kasabawan.

Isa pala syang film student sa UCLA bukod sa pagiging poet (the american poet nga eh). Ang galing lang kung pano sila nag-meet ni pam (ang kanyang cosmic partner). Ganon ba yun pagtapos na lang na may sumulpot na lalaki sa bakuran mo at sasabihin nyang sinundan ka nya kanina galing beach e di ka ba kakabahan na baka psycho yun kausap mo but in this case gumanti pa ng halik yung si pam nung hinalikan sya ni Jim. Tapos sa susunod na pagkikita nya umkyat sa kwarto mo at niyaya ka lumabas. Malamang sa dating palang ni Morisson di na ko magdadalawang isip hehe. Ang okay na part dun yun binasahan sya ng poems nya at sharing tas yun na! Bilib ako sa writing skills ni Morisson. Eto sample ng isa sa gawa nya:




ROAD DAYS
fear of Plane death
And night was what Night
should be
A girl, a bottle, & blessed sleep

I have ploughed
My seed thru the heartof the nation.
Injected a germ in the psychic blood vein.

Now I embrace the poetryof business &
become ­ fora time ­ a "Prince of Industry"

A natural leader, a poet,
a Shaman, w/ thesoul of a clown.
What am I doing in the Bull Ring
ArenaEvery public figure
running for Leader

Spectators at the Tomb ­riot watchers

Fear of Eyes
Assassination

Being drunk is a good disguise.
I drink so Ican talk to assholes.
This includes me.

The horror of business

The Problem of Money
guilt
do I deserve it?

The MeetingRid
of Managers & agents

After 4 yrs. I'm left w/ a
mind like a fuzzy hammer

regret for wasted nights
& wasted yearsI pissed it all away
American Music

End w/ fond good­bye& plans for future
­ Not an actor
Writer­filmmaker

Which of my cellves
will be remember'dGood­bye America
I loved you

Money from home
good luck
stay out of trouble




Tumagal din ata sila ng 6 yrs pero sabi on & off din. What do u expect from a rockstar at alcoholic na lalaki. Sala sa init sala sa lamig din yun yun relasyon nila. Parang mga sira magtritrip sa bubungan, magsasaksakan dahil pinatay daw ni lalaki yun duck ni babae (nga naman sunog eh! kulat black na yun duck) pero sa kadahilanang tumira sila ng acid. May scene pa dun na sinilaban ni Jim si Pam kasi nahuli nya yun sa kwarto with some european guy habang nagheheroin. Kinulong sa closet tas binuhusan ng alcohol yun pinto saka sinilaban buti na lang nakalabas sya agad. Andun pang nahuli nyang bini-bj si Jim sa elevator. Pero solid pa din sila! Katwiran nya "it's just fucking right? You dont love them enough to have relationship parang ganon!? Kasi kahit alam nyang ganon bumabalik pa din sya at tumagal pa nga hanggang sa nadedbol si Jim at the age of 27. (3 heroes ko na namatay at the age of 27, hendrix, joplin at morrison)

Andaming babae na baliw na baliw kay Jim syempre sikat eh daming nyang naging babae pero may isa dun isang rock critic: Patricia Kennealy na kung saan kinasal pa sya dito in a wiccan tradition, uminom sila ng sarili nilang dugo. Wow!

Grabe performance level nya, as in pagtapos kumanta babagsak at magpapass-out! Riot! Sa sobrang kalasingan kung ano ano na sinasabi while on the gig. Halos di na makapagrecord ng kanta sa sobrang kalasingan.

Nakakatawa lang dun nakasuhan na sya sa pinag gagawa nya. May scene pa na peppermint spray ata sya sa mata non eh, tas tinira nya yun pulis during the gig mismo. Syempre pina-stop tas nagkagulo na riot!

Onga pala di ko makalimutan pa dun yun na-meet nya si warhol! Hay.... wala lang hehe
 
posted by sativa_free at 7:03 AM | Permalink | 0 comments links to this post
Sunday, November 26, 2006
Badtrip di ko ma-embed dito yung video ni manny poohcquiao! Pero sobrang laff trip to

http://youtube.com/watch?v=oLCMitMSRfw&mode=related&search=
 
posted by sativa_free at 11:20 PM | Permalink | 0 comments links to this post
Wow black ess...
After a sweaty & tiring adventure race pumunta kami ng house ng kabarkada ko at nagdecide na makiligo na din. Pero habang naghihintay ako para makaligo kasi nauna yun team partner ko nanood muna kami ng Sex & the city, mga huling season na yun eh. Nakalimutan ko lang kung pang-ilan mismo. Basta yung episode na yun yung nagka-jowa si miranda ng some black hot guy na sports doctor tapos nahuli sila ng ex nyang si one ball steve. Ang nakaka-distract dito eto:




















Hahaha ilang beses pang-pinause at inulit pause at play & pause para lang macapture ang larawang ito! Bwahahaha
 
posted by sativa_free at 5:29 AM | Permalink | 0 comments links to this post
four cheese deluxe

Panalo to nakalahati ko mag-isa! Treat ko sarili ko nung panahong may pera pako! Nagpa-additional na lang ako ng mushroom para solido! Not bad for my lunch, sa halagang 165 ba naman eh! Ay di pala nagpadagdag pa nga pala ko ng mushroom!

Yun lang masasabi ko ang sarap ng pizza na to sa chef d' angelos naks plugging! Pero anyemnyem talaga eh...

Kaya lang yun last time na kain ko nito wala namang cheese sauce at mas white yun kulay nya before kesa ngayon dilaw na dilaw. Masarap pa din! =)
 
posted by sativa_free at 4:42 AM | Permalink | 0 comments links to this post
Monday, November 20, 2006
i miss u
Ang mga katagang ito ay pwedeng i-sagot sa lalaki kunwaring sinabihan ka na ng i like you, lalo na kung di ka pa sigurado kung talagang gusto mo yung lalaki di ba? Sabi ko dun sa katropa kong lalaki e di ba parehas lang yun, pag sinabi mo na sa guy na "i miss you" eh parang inamin mo na na ding u like him, di ba?

Pwede ring i-equate ito kapag nahohorny ka na madalas kong nakukuha sa mga ex ko. Uy namimiss kita.... (taglibog ako pwede ka ba? or tigang ako tara!)

Pero kung magpapaka-totoo naman ako sa pag gamit nito yun talagang namimiss ko yung tao at wala akong iniintay na kapalit meaning di ko iniexpect na sasabihin din nya na namimiss nya ko. Wala namang masama, ayus lang nakakagaan pa nga eh. E sa yun ang nararamdaman mo at the moment eh. Yes mag-moment! Hay....
 
posted by sativa_free at 1:25 AM | Permalink | 0 comments links to this post